Remembering Lola Binay

It’s been a year since Lola Binay passed away. The thing that I love about her is the numerous stories she had in her person. The kind that one only gets through going through the ups and lows of life.

I’ve come upon my past project for History I when I was still a freshman student nurse studying in UP Manila. Below is a copy of the transcript that I made from interviewing Lola Binay.

+++

Lola Binay’s Story

I interviewed Lola Binay on December 7, 2008, at her home in Marikina city. She is my grandmother of 88 years, a survivor of a generation of wars. Though her hearing may be dulled, her memory of her experiences remains sharp.

She was about 20 years old at the beginning of the war. She was at home, when Tiyo Eban, a family member who worked in the Post Office, told the family that the Japanese were coming to the Philippines.

She and her family then fled to Dodan, Peñablanca. There they maintained life by farming corn, bartering goods, and taking care of livestock.

Lola Binay then narrated some stories that made me laugh and some stories that made me shiver.

At the end of the war, she was about 25 years old. She was at the mountains when she heard the news that the Americans were coming. True enough, they came in trucks, flashing the “V” sign towards everyone.

“Sana hindi maulit….”

Lola Binay frequently uses this phrase during the interview. In my interview with her, I learned that war is not as glorious as what movies would depict. It is an orgy of violence that destroys everything, and everyone in its path. It separates families, burns homes, and takes life. This is Lola Binay’s story.

When I interviewed Lola Binay, I was a bit confused by the non-linear way she would tell her story. I have arranged the tidbits of her past under the various parts to eliminate the confusion.

Who: Jian Narag and Lola Albina “Binay” Cabalza-Narag
What: Interview
When: December 7, 2008, 6:42 PM to 7:56 PM
Where: Marikina

PART I: Start of the War
0:00 – 2:05
Interviewer (I) is sitting with Lola Binay (L) on her folding bed
I: Lola, nasan po kayo nung nagsimula yung giyera?
L: Nasa Tugegarao kami.
I: Nasa Tugegarao po. Tapos, ano po ang ginagawa nyo nun noon?
L: Eh?
I: Nakikinig po ba kayo ng radyo?
L: Hindi.
I: Paano nyo po nalaman?
L: Kasi si Tiyo Eban ang nasa [nakikinig sa] Post Office sa radyo. Siya ang mag-report sa amin kung [paano kumikilos] ang Hapon. Nung pumasok ang Hapon, hindi kami agad umalis.
I: Opo…
L: Kasi [sabi ni Tiyo Eban] “Wag kayong aalis”. Pero yung mga kasama namin, umalis na sila agad. Umalis na silang lahat.
I: Yung mga kaibigan nyo po, umalis na po?
L: Oo. Yung buong Tugegarao, yung town ng Tugegarao, nagtransfer na… Nag-evacuate na sila.
I: Nagka-panic po ba?
L: Oo.
I: Kami [sinasabi namin sa iba na] “Wag mag-panic. Wala pa ang mga Hapon.” Nasa… Start palang sila.
L: Wala pa po sila sa Pilipinas?
I: Wala pa sila sa Pilipinas. Nag-start palang sila. Pero yung [mga] [pag-]bomba, pumasok na yung bomba sa landing [airfields]. Tapos si Tiyo Eban, hinihintay lang namin kasi nasa Post Office siya, sa radyo siya. Si… Kalubakib, nasa radyo [noon].
I: Opo…
L: Nung mayroon nang mga Hapon sa Aparri, nag-start na ang Hapong magpunta sa Tugegarao. Nasa gitna palang yata sila mula sa amin. Kasi eroplano [ang ginagamit lang nila] Hindi kami umalis kasi sabi ni Tiyo Eban. Pero yung buong Tugegarao, wala na!
I: Wala na?
L: Oo. Nag-evacuate na silang lahat. Kami ang ultimong umalis.
I: Kayo yung huling umalis po sa Tugegarao?
L: Oo. Kami ang huling-huling umalis. Nung sinabi niya [Tiyo Eban] “Yung mga Hapon nasa Aparri na” sabi niya, “Alis na kayo”. Yung pamilya niya, nag-ano [evacuate] na kami.
15:00 – 17:22
I: Diba sinabi niyo po dati na binomba ang Tugegarao? Ano po ang nangyari noong araw na iyon?
L: Yung landing ang binomba nila.
I: Yung airport?
L: Oo, yun ang binomba nilang una.
I: Pagkatapos po, naglanding na sila?
L: Hindi pa.
I: Binomba po ba nila, pati bahay?
L: Hindi. Yung landing lang yung binomba nila. Ang bahay hindi nila binomba. Noong [natapos na sila sa bomba], OK na, dumating na sila [mga Hapon]. Ayun, inayos nila yung landing. Inayos na ng Hapon. Noong naayos na nila yung landing, nag-land na sila doon.
I: Kinwento niyo na po ba sa akin noong nasunog ang buong Tugegarao?
L: Hmmm?
I: Ano po ang nangyari? Bakit po sinunog ang buong Tugegarao?
L: Para makita [ang mga gerilya]. Para wala sigurong mapagtaguan ang mga gerilya.
I: Sinunog nila nang walang dahilan lang?
L: Oo… Walang dahilan lang.
I: Paano po yung mga [tao doon]? May namatay po ba doon?
L: Marami. Maraming namatay noon.
I: Kahit ang mga sangkap sa bahay, sinunog nila?
L: Oo, sinunog nila ang lahat. Hindi sila matakot. Pero kami nasa mountain na kami. Tinitingnan lang namin yung whole Tugegarao na nasunog…
I: May mga kaibigan po ba kayo doon habang nangyayari iyong pagsunog ng Tugegarao?
L: Maraming namatay dyan. Maraming nawala na tao.
I: Nawala nalang silang bigla.
L: Oo.
I: Noong nagpakasal kayo ni Papa Eman- Papa Eman po ba?
L: Emie.
I: Emie. Noong nagpakasal po ba kayo, panahon ng giyera noon, o pagkatapos na po nung giyera?
L: Patay na.
I: Hindi po, noong nagpakasal na kayo?
L: Before.
I: Bago po noong giyera?
L: Sa Tugegarao na po kayo nananahan [noon]?
I: Si Tito Mac po ang naging anak niyo [kay Papa Emie] diba?
L: Oo. Ang [mga] unang-unang anak ko, namatay sila. Si Tito Mac na, sa liberation na yun.

PART 2: Life during the War
2:06 – 4:08
I: Saan po kayo nagtago nung panahon ng Hapon?
L: Sa Mountain, sa east.
I: Sa… may Apayao, sa Isabela?
L: Hindi. Sa… Dodan, Peñablanca. Doon kami nagtago.
I: Ahh. Paano po kayo [nabuhay] noon? Ano po ang inyong kinain nung mga panahon na iyon?
L: Yung kinain [namin]?
I: Opo.
L: Umm, tumulong kami sa tinirahan naming barrio. Tumulong kami sa pagtrabaho para [makakain] kami.
I: Ano po yung mga kinain nyo? Kamoteng kahoy? Parang ganoon po?
L: Hindi… Corn.
I: May mais pa po pala noon?
L: Oo, mais. Tumulong kami.
I: Masagana naman po ang pagkain noon?
L: Oo.
I: Marami po kayong natanim?
L: Oo, tumulong kami sa [pinagtirhan naming] barrio. Peñablanca.
I: Ano po yung sinabi niyo sa akin dati, Lola, noong nakatira kayo doon sa underground po?
L: Ah. Nung mayroong eroplano ng Hapon…
I: Opo.
L: E di nasa Tugegarao pa kami?
I: Opo…
L: Kapag mayroong eroplano ng Hapon, [naririnig] namin yung *makes buzzing noises*, tapos tatakbo na kami sa [underground]. Kahit na kumain kami, iiwanan namin yung pagkain kasi takot kami sa bomba ng Hapon.
I: Ilan po kayong nasa… Foxhole noon?
L: Ilang pamilya rin ang nasa foxhole noon.
I: Gaano po kalaki ang foxhole? *stretches hands* Parang ganito kalaking kwarto po? (Room is about 3 sq. meters).
L: Hindi. Letter “L” ang foxhole noon. Ginawa nilang ganoon iyon. Hmmm.. Isang pamilya lang yata?
I: Isang pamilya po, mga limang tao?
L: Hindi. Walo.
I: Mga walong tao po ang kasya?
L: Oo.
I: Ilang araw po kayo sa loob ng foxhole?
L: Hindi [kami laging nagtatago doon]. Pag mayroon lang eroplano, doon lang kami pumapasok sa foxhole. Pero pag umalis na yung eroplano, lumalabas na kami.
7:00 – 14:58
I: Ano po yung suot niyo noong [panahon ng] giyera po? Ano po yung mga salat kayo noong giyera po?
L: Ano’ng salat?
I: Yung kulang po [mahirap makuha na pangangailangan]
L: Asin.
I: Paano po kayo kumukuha ng asin?
L: Nag-ano [hanap] kami. Nakahanap sila ng well ng asin. Tapos nag-igib sila [mula roon]. Tapos yung tubig ay ilalagay nila sa…Ummm..
I: Kaldero po?
L: Hindi, kawali. I-aano [isasalok] nila sa apoy. Ipapa…
I: Evaporate po?
L: Hindi, i-dry…
I: Pakuluan po?
L: Oo, pakuluan, hanggang bumaba [yung asin]. Unti-unti [ang paggawa] ng asin daw, sabi nila. Pina-arkila ko lang yung talyasis para sa asin. Hiniram nila yung talyasis, tapos kapag makaluto sila ng asin, binibigyan kami. Iyang asin ang pinaka-importante para sa amin.
I: May sabon po ba kayo noon?
L: Iyon lang ang hindi kami nagkulang, [sa] sabon.
I: Saan po kayo nakakakuha ng sabon noong mga panahon na iyon?
L: Nag-barter kami.
I: Barter trade po?
L: Oo, nagbabarter.
*Silence*
L:Kasi nung makilala na ni Mama Ofeng mo yung mga Hapon, kasi nag-aral siya ng [wika ng mga] Hapon, hanggang Grade 6 nag-aral siya, ayun, nagiging friend niya ang mga Hapon. Nakakaibigan niya.
I: Hindi naman po lahat ng Hapon masama?
L: Hindi. Mayroong maganda [ang kalooban], mayroong very kind, lalo na pag may bata na maliit, naku, tuwang-tuwa sila. Siguro [pinapaalala ng mga bata ang mga] anak nila na naiwanan nila doon.
I: May mga Hapon po ba na may asawang Pilipina dito [noong panahon ng giyera]?
L: Noong matagal na, nag-asawa na sila ng Pilipina.
I: May mga Hapon, pagkatapos ng giyera, nandito pa rin, hindi na bumalik?
L: Oo.
I: Buti hindi naman pinagtripan ng mga tao [ang mga nagpaiwan]?
L: Kasi mabait naman yung mga naiwan [na Hapon].
I: Basta pag nakilala namang mabait?
L: Hindi naman sila [pinapahamak]. Nag-asawa sila ng Pilipina e.
I: Yung mga gerilya po, may nakilala po ba kayo?
L: Si Papa Emie mo, gerilya yun.
I: Sino po si Papa Emie?
L: Yung unang asawa ko.
I: Yung unang asawa nyo po?
L: Oo. Pero hindi [wag] mo sabihing gerilya siya. Sikreto. Walang [dapat] makaalam. Kasi pag gerilya ka, kukunin ka ng mga Hapon, tapos papatayin ka.
I: Ano po ang nangyari kay Papa Emie?
L: Wala naman. Civilian. Nag-civilian siya.
I: Hindi naman po siya nasaktan [napahamak] sa giyera?
L: *May have heard the question wrong* Nagpunta [naman], pero nung naghiwalay na yung army, pumunta na sa amin.
I: Nagkwekwentuhan po ba kayo [nina Papa Emie] tungkol sa giyera?
L: Nakwento ano?
I: Nakwento na po ba niya kung ilan ang napatay niya na Hapon, kunwari?
L: Hindi. Hindi [naman] siya nakilaban. Pupunta lang sila sa [lugar na may kalaban], tapos nung ma-outnumber yung mga gerilya, nag-uwian na sila. Nabalewala lang. [Kasi] Japanese regime na.
I: Ano pong gerilya unit si Papa Emie?
L: Volunteer lang siya.
I: Ilang taon po ba siya noong nagkakilala kayo?
L: 20? Mga 21 siguro. O 23, ganun.
I: Lola, dati po may nagkwento sa akin dati na kapag may babaeng nagustuhan ang mga Hapon, yung babaeng yun ay nagsasaboy daw ng putik [sa sarili niya]. Totoo po ba iyon?
L: Hindi ko alam. [Pero] naririnig lang namin yan, pero hindi namin nakikita.
I: Sa Tugegarao po hindi masyadong marahas?
L: Paano namin makikita, nasa mountain kami…
I: Yung pinakamalapit na nakarating ang mga Hapon sa inyo, iyong Tora-tora lang?
L: Oo. Kami ang pinakahuling umalis sa Tugegarao.
I: Oo… Ilan po ba kayong nasa pamilya noong umalis po kayo?
L: Ano, yung buong Calubakib family.
I: Cabalza po kayo Lola diba?
L: Oo, pero Calubakib ang nanay namin. Doon kami nakihalo sa mga Calubakib. Yung mga Cabalza [naman], nasa Solano sila.
I: Malapit po iyon [Solano] sa giyera diba?
L: Oo.
I: Kamusta naman po ang mga Cabalza sa Solano? Hindi naman po sila napahamak?
L: Hindi, [kasi nakatira sila] sa other side of the river.
I: Ah, sa kabilang ilog po sila? May mga gerilya po ba doon?
L: Oo. Hindi sila [mga Hapon] maka-transfer kasi may mga gerilya doon.
I: Kayo naman po sa mga Calubakib, sa Peñablanca po?
L: Oo, sa Pacific.
I: Pacific side po ng Pilipinas?
L: Oo. Pero si Papa Emie mo kasi, nagreport sa Tuao, doon siya na-induct. Doon kami sumama noon.
I: Opo…
L: Tapos noong medyo nagkalma-kalma na ang giyera, bumalik kami sa Tugegarao. Peace time na, parang peace time na noong bumalik kami sa Tugegarao.
I: Natapos na po ang giyera noon?
L: *Shakes her head* No-oo [Hindi pa].
I: Noong dumating na ang mga Hapon ulit, tumakbo na kami sa pinanggalingan namin [sa Peñablanca].
L: Marami po bang namatay noon?
I: Oo…
17:44 – 25:37
L: Oo… Mahirap ang tumakbo. Kawawa ka. Basta [kapag narinig mo ang] *makes buzzing noises* ng eroplano, kahit kumakain ka iyan, tumakbo ka, iwanan mo ang pagkain mo. Punta ka sa dug-out.
I: Muntik na po ba kayong mapahamak noong giyera?
L: Awa ng Diyos, hindi. Pag may nakita kaming mukha ng Hapon, takbo kami agad.
I: Buti hindi naman po kayo hinahabol ng mga Hapon.
L: Hindi naman.
I: May bumisita na po bang gerilya sa may Peñablanca po?
L: Maraming gerilya doon… Pero noong nalaman na ng mga Hapon na may gerilya doon, wala na.
I: Nag-disperse na po sila?
L: Oo. Sa Tuao na sila. Doon na ang kampo nila sa Tuao.
I: Hindi po talaga nakarating ang mga Hapon sa Peñablanca?
L: Nakarating ah.
I: E di nakakita po kayo ng Hapon nang harap-harapan?
L: [Hindi harap-harapan], nakakita kami ng Hapon. Noong dumating sila sa Peñablanca, nilagyan nila ng bandera iyong munisipyo. Ang bandera ng Hapon. Yung parang red ball.
I: Natuto po ba kayong mag-Hapon noong panahon ng Hapon?
L: Hindi ako natuto. Natakot kami e. Si Mama Auring mo, nag-aral. Hanggang Grade 6.
I: Ilang taon po si Mama Auring noon?
L: Dalaga palang siya noon.
I: Mga disi-sais?
L: Oo.
I: Kayo po Lola?
L: May asawa na ako noon.
I: 20 years old po?
L: Oo, mga ganoon.
I: Noong natapos na yung giyera, mga 24, 25 na po kayo?
L: Oo.
I: May nasabi po kayo dati na naghulog ang mga Hapon ng mga papeles sa ere?
L: Oo.
I: Ano po iyon?
L: Propaganda.
I: Ano po ang nakasulat doon?
L: Nakasulat doon: “Americans enemy, Filipinos friend”
I: May picture po ba [na kasama] iyon?
L: Meron. Yung [mga] Amerikano, tinutulak yung mga Filipino. Hinulog iyon ng mga eroplano ng Hapon.
I: Opo…
L: Mahirap ang panahon ng mga Hapon… Walang damit…
I: Sana hindi na po iyon mangyari sa amin.
L: Oo… Alam mo yung langutsi? (Sack clothing)
I: Opo.
L: Nagdamit nang ganoon ang mga tao noon, pero sa awa ng Diyos, hindi kami nagdamit nun. Marami kaming natakbong damit noon e. Pero yung damit ng Papa Emie mo, kasi sundalo siya, itinanim namin sa lupa. Kasi pag may nakakita ng [mga] damit na iyon, [sasabihin nila:] “Gerilya, gerilya!”
43:50 – 45:36
I: Ano pong pera ang ginagamit niyo noong panahon ng Hapon?
L: Japanese money.
I: Ano po ang itsura nun?
L: Parang pera. May one centavo, may five centavoes, panay papel.
I: Pag bibili po kayo, bag-bag po ba daw?
L: Oo. Naku, maraming pera noong panahon ng Hapon. Si Papa Emie mo, nagtrabaho sa landing noong nagpatrabaho ang mga Hapon. Kumuha siya ng sahod doon. Sa dami ng pera, kahit ilagay mo sa basket na malaki, maraming papel na pera pa rin. Kasi gawa lang [ng mga Hapon e], capon bon (bond paper).

PART 3: War Atrocities
4:13 – 5:43
I: Tapos, noong panahon po ng Hapon, may nakita po ba kayong karahasan noon? May nakita po ba kayong inabuso ng Hapon?
L: Wala akong nakita yata. Naririnig lang namin. Kwento-kwento lang yun. Naririnig lang namin sa mga tao pero hindi namin nakikita.
I: Ano po daw yung mga pinagagawa ng mga Hapon noong mga panahon na iyon?
L: Abuso sa babae. Pumapatay sila ng tao noon… Pag sinabi nila [mga MAKAPILI] na gerilya ka, papatayin ikaw [ng mga iyon]. Itatali ka nila daw, kasi hindi namin nakita, yung mga pumupunta sa bayan, nakikita nila yung mga taong itinatali, tapos ibabayoneta. *makes thrusting motion*
I: Bayoneta po?
L: Oo.
I: Yung mga babae po, may mga ginagahasa po ba noong panahon na iyon?
L: Oo, daw.
I: Kayo po? Umm, di po ba kayo napagtripan ng mga panahon na iyon? Hindi po ba kayo nakursunada nung mga panahon na iyon?
L: Hindi. Hindi namin nakita ang mukha ng Hapon noon.
I: Hindi po kayo nakakilala ng Hapon?
L: Hindi kami nakakilala. Pag may Hapon, sabi nila [pamilya], takbo na kami dun sa mountain.
I: Kahit anong klaseng Hapon, kahit sinong Hapon, takbo na talaga kayo?
L: Oo. Basta Hapon, takbo na kami doon, [direksyon ng] Pacific.
I: Sa Pacific po?
L: Oo.

PART 4: Memorable Experiences
5:48 – 6:55
I: Noong panahon po ng giyera, may masasaya po naman kayong mga karanasan?
L: Ha? Pagkain?
I: Ahh, mga masasaya pong karanasan ‘La. Yung… Parang nagkatuwaan po ba kayo kahit may giyera? Ano po [ang ginagawa ninyong katuwaan noon]? Kasi pag sinabi po kasi nila “giyera”, puro malungkot, pero mayroon naman sigurong masasayang parte noon?
L: Oo, matuwa [may mga katuwaan] kami noon. Maraming tao [sa barrio] noon. Maraming [pagkakataon] upang magmeet ang friends mula sa iba’t ibang [lugar]. Kasi tumakbo kami sa ibang barrio, nagmemeet lang kami [minsan].
I: Parang reunion po dati?
L: Oo.
I: Noong mga panahong iyon, may sayawan po ba?
L: Hindi kami mag-attend doon, kasi takot kami e. Pero kung kainan lang, pagkatapos kumain, aalis na kami agad. Kasi matakot kami e.
33:18 – 35:05
I: May mga kaibigan po ba kayong napagmalupitan ng mga Hapon noon?
L: Napag?
I: Napagmalupitan po.
L: Ano yun?
*Gretzch, my cousin answers*
G: Nasaktan po.
L: Bayaw ko. Pinsan ni Papa Emie mo.
I: Ano pong ginawa sa kanya?
L: Nadatnan sila sa isang bahay sa Katag-aman. Tapos noong nadatnan nila, kinuha na nila [sila]. Dinala nila sa kampo, ng Hapon. Iyon ang kwento. Tapos ang ginawa nila [ng bayaw ko at kasama niya], para makalabas sila, sabi nila [sa guwardiyang Hapon]: “Maka-tae kami.” Ayaw ng Hapon. Ginawa nila, malakas ang ulan, tumae sila. [Ipinahid] nila ang tae sa katawan nila. E di yung Hapon, nandiri, pinalabas sila. Doon kayo [sa ilog], maghugas. Sa Cagayan river. Wala silang guwardiya kasi nandiri yung Hapon sa kanila. Pagdating nila doon, tumakbo na sila sa [direksyon ng] Enrile.
I: Nakatakas po yung bayaw niyo?
L: Oo.
I: Marami po bang nakatakas noon?
L: Hindi. Dadalawa lang sila. Sila nga ang [nagbigay] ng impormasyon kung saan ang paksyon ng mga Hapon.
46:39 – 48:20
L: Marami kaming sabon noon. Sina Lolo Boy mo, *laughs*, maliliit pa sila. Pumasok sila sa Escolta. Pumasok nila [noong walang tao]. Kumuha sila ng kahit anong makita nila, [tapos] iuuwi nila. Maliliit pa sila.
I: Escolta?
L: Oo.
I: Sa Maynila?
L: Sa Tugegarao.
I: Tapos kumuha lang sila ng kahit ano?
L: Basta walang tao.
I: Pang-barter po ninyo [ang mga nakuha nila].
L: Oo. Nagnakaw sila. *laughs*
G: Okay ah.
I: Loko talaga yung mga yun.
L: Itali nila nang ganito *demonstrates wrapping an imaginary thing under a shirt*. Umuuwi iyan, may sabon, kung ano-ano.
I: Kumot po ang ginagamit nila?
L: Hindi, itinali nila sa bewang nila, tulad ng ganito *ties imaginary cord*
I: Nilalagay po nila sa pantaas nila?
L: Oo.
I: Buti hindi po sila nahuli.
L: Pero pag makakita sila ng mga Hapon, naku, takbo yang mga yan. Kasi manghuhuli iyang mga iyan. Ayaw nila ang magnanakaw, ang mga Hapon. Cut-neck ka pag nahuli ka ng mga iyon.
I: Kahit mga bata?
L: Oo. Ayaw ng mga Hapon ang mga magnanakaw.
53:33 – 53:44
L: May mga Hapon naman na very kind e, lalo pag makakita sila ng bata. Siguro [naaalala] nila ang [mga] anak nila doon. Tuwang-tuwa sila e.
54:14 – 55:32
I: Sino po si Damil?
L: Sundalo iyon.
I: Kaibigan niyo po?
L: Oo. Kapitbahay namin. Walang kwento-kwentuhan noong panahon ng Hapon.
I: Bakit ayaw po nila magkwento?
L: Takot sila e. Baka hulihin ng mga Hapon.
I: Pero pagkatapos po ng giyera, nagkwentuhan na po kayo?
L: Oo.
I: Ano po yung mga kwento ni Damil?
L: Ayun, nag-asawa sila doon. Safe ka kasi kapag may asawa ka. Sundalo kasi sila. Kapag nakita sila [ng mga Hapon], sinasabi nila na ipakita mo ang asawa mo. Ipapakita nila.
I: Para hindi ka mapahamak, maawa sila sa iyo?
L: Oo. Hindi ka mapapahamak. Tapos nung natapos na yung giyera, iniwan na nila, [minsan] may anak na [sa kanya].
56:19 – 57: 36
L: Si Lolo Pedro mo, ayan, nakapatay ng Hapon. Isa.
I: Paano po-
L: Sa tulayan.
I: Sa tulay?
L: Oo. mag-isa yung Hapon, naglalakad. Siguro may [nililigawan] iyon. Pinatay nila.
I: Sino po yung nililigawan ng Hapon?
L: Si Feling Gamad.
I: Maganda po siya?
L: Maganda talaga. Pinatay nila yung Hapon, iniwanan nila. Alam mo, ang mali nila, hindi nila [nilibing] ang Hapon. Iniwanan lang nila [yung bangkay]. Alam mo ang ginawa ng Hapon? Sinunog nila yung tulayan [at ang yung malapit na barangay].
I: Wala naman pong napatay na Pilipino?
L: Paano sila mapapatay, e tumakbo sila agad. Eroplano ang sumunog sa mga bahay doon.
58:32 – 59:27
I: Nakapanood na po ba kayo ng dogfight?
L: Oo.
I: Ano po ba ang nangyayari pag nag dodogfight?
L: Dogfight, *brings hands to front, one above the other*, eto yung Hapon *indicates lower hand*, eto yung Amerikano *indicates upper hand*. Nasa taas ang Amerikano. Tapos biglang ganyan *upper hand dives down*.
I: Bababa bigla?
L: Bababang ganyan. Tapos *makes machine gun sound*. Tapos *lower hand falls down*.
I: Parang ganoon lang?
L: Oo.
I: Tapos parang may usok po sa eroplano ng Hapon?
L: Oo.
I: Iyon lang po ba ang napanood niyo?
L: Oo. Pero mostly sa river, sa tubig [sila naglalaban]. Tapos doon mahuhulog ang mga eroplano.
I: Ano pong nangyayari sa piloto? Patay na?
L: Siyempre.
I: Walang [nag-eeject] na piloto?
L: Wala.

PART 5: Liberation
27:05 – 32:48
I: Ano po ang naalala niyo sa liberation? Nung bumalik na po ba kayo sa Tugegarao, naging normal na po ba ang buhay?
L: Normal naman ang buhay.
I: Pagkatapos po ba ng giyera, buo pa rin ang mga Cabalza?
L: Maraming namatay.
I: Ano po ang mga dahilan [kung bakit maraming namatay]?
L: Sakit. Kasi iba yung climate sa bundok e. Malamig. Malaria.
I: Sa mother’s side niyo naman po Lola, kamusta naman po pagkatapos ng giyera? Marami po bang…
L: Namatay? Oo… Ako rin e, isang biktima ng sakit noon e. Malaria.
I: Ano po ang nangyari sa inyo noon?
L: Mabilis namang naagapan. Pag asawa ka ng sundalo, madali lang makakuha ng gamot.
I: Nilagnat po kayo? Nanginginig? Nanilaw po ba ang balat niyo?
L: Oo. Sa awa ng Diyos, na-save ako. Ang iba ay namatay e. Alam mo noon, wala nang magbubuhat ng tao, isinasakay nalang nila sa alebay, a sled. Yung coffin ng patay noon. Kasi wala nang magbubuhat [ng bangkay].
I: Wala nang libing?
L: May libing naman. Wala lang magbubuhat.
35:17 – 36:50
I: May mga kilala po ba kayong mga traydor noon?
L: Oo ah. Pero pinatay nila noon liberation. Si Soriano. Kasi nung Japanese [regime], nirereport niya [ang mga ayaw sa mga Hapon]. Kahit kaibigan, nirereport niya.
I: Sino po si Soriano?
L: Vice Mayor noon.
I: Vice Mayor ng Tugegarao po?
L: Oo, noon.
I: Ano po ang nangyari sa Mayor?
L: Tumakbo yung Mayor namin, sa Tuao.
I: Yung mga konsehal po?
L: Iba-iba sila. Si Arugay yung mayor namin noon…
I: Si Soriano po, ano po ang ginawa sa kanya?
L: Pinatay nila.
I: Ng mga gerilya po?
L: Oo.
I: Binaril sa ulo po?
L: Hindi. Kinuha nila nang buhay. Tapos, pinatayo sa edge of the river. Doon sila binaril.
I: Sa Cagayan river sila mahilig magbitay?
L: Daw. Hindi namin nakita e. Yun lang ang mga balita noon.
37:46
L: Mahirap noon. Sana hindi na maulit, yung panahon ng Hapon. Peace time na noong [may mga] gerilya na. Noong dumating na ang mga Amerikano, dumating na ang mga eroplano.
I: May mga nakilala po ba kayong Amerikano?
L: Maraming Amerikano noon.
I: Okay naman po sila? Hindi naman sila-
L: Nag-abuso?
I: Opo
L: Hindi naman.
I: Ano po ang mga kwento niyo kasama ng mga Amerikano?
L: Nag-asawa sila ng mga Pilipino. Pero yung mga asawa nila, hindi daw maganda, pangit daw. Pangit pumili ang mga Amerikano.
I: Masama ang taste? Dapat ikaw nalang Lola?
L: May asawa na ako noon. Si Mama Auring mo, maraming nangligaw na Amerikano. Dalagita na siya [noong liberation]. 12 siya noong nagsimula yung giyera.
I: E di mga disi-siyete na po siya noong natapos na yung giyera?
L: Oo.
1:02:31
I: Kamusta po si Lolo Pascual noong giyera?
L: Nasa Piat siya noon e.
I: Paano po ba kayo nagkakilala ni Lolo Pascual?
L: Noong peacetime na. Kasi mayroon akong calesa, kabayo. Buyer ko lang yan ng kabayo noon. Si Lolo Isong mo, siya yung bumibili, pero si Lolo Pascual mo ang nagdadala ng kabayo sa sentro, sa Tugegarao. Babayaran ko siya ng five pesos sa bawat isang ulo ng kabayo. Ganoon ko lang siya nakilala. *laughs*
I: Tapos saka nalang kayo niligawan ni Lolo Pascual?
L: Oo. Tapos si Lolo Isong mo, ibebenta yung kabayo. Kapag may tubo, maghahati kami ni Lolo Isong mo.
1:07:40
L: Noong liberation na, dumating na ang mga Amerikano, nasa Aparri na, ganun na sila *makes a V-sign*
I: Nag Vv-sign po ang mga Amerikano nung dumating sila?
L: Oo.
I: Victory.
L: Victory… Victory Joe!
I: Victory Joe… Joe ang tawag niyo sa kanila.
L: Oo. Pero marami ring abusadong Amerikano.
I: Hindi po iyon maiiwasan.
L: Oo.
I: O, Lola, baka mapasobra na ako ng recording, kaya ititigil ko lang po ang recorder.
L: Cge lang.
I: Anong oras na, uhm, 7:56 PM, kasama si Lola Binay. Bye!
L: Bye bye!

+++

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    August 2011
    S M T W T F S
    « Jul   Sep »
     123456
    78910111213
    14151617181920
    21222324252627
    28293031  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.
    -Jian Narag, 2005-2017
%d bloggers like this: