Bulaklak sa Parang

Napadaan ako sa isang bukirin,
Natanaw isang bulaklak na di sinadyang naroon din:
Talulot nito’y kulay dilaw,
Masigasig na nagpupugay sa sinag ng araw.
Tangkay ay luntian at matatag,
Isang tore sa gitna ng lupaing nakalatag.
Lumapit ako sa munting prinsesa,
Sa paghanga rito’y nagpakasasa,
Dagliang humipan ang isang malakas na bugso ng hangin,
Aking sumbrerong dayami’y nilipad sa hardin
Palayo, palayo, ngunit hindi ko ito hinabol,
Sa halip ay sa bulaklak ang tingin ay ipinukol.
Minasdan kung papaano siya nagpakababa,
Upang di masira ng hangin ang yuming aba.
Iniabot ko ang aking kamay upang siya’y angkinin,
Dilaw na bulaklak ng bukirin.
Ngunit daliri’y biglang humapdi,
Natinik ng mga subyang masidhi,
Dilaw ng talulot, pula ng dumanak na dugo,
Asul ng kalangitang nagpupuri, luntian ng payak na damo,
Kayumanggi ng lupaing sa kailanma’y gumagapang:
Alaala’y gunita mula sa isang bulaklak sa parang.

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

3 Comments

  1. It sounds… sad? 😛

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    April 2010
    S M T W T F S
    « Mar   May »
     123
    45678910
    11121314151617
    18192021222324
    252627282930  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: