Sulong Gerilyero

Inspired by Benjamin Pimentel’s “Mga Gerilya sa Powell Street”

Lolo, bakit ba ganyan,
Ang kalagayan ng ating bayan?
Nakikita ko sa paligid,
Kasakiman ng mga ganid.
Lolo, ikwento mo naman,
Ang mga araw na nagdaan.
Noong ang Pilipino’y nagkakaisa,
At sabay-sabay na isinisigaw:

Sulong mga gerilyero!
Sulong mga gerilyero!

Apo, tunay na nagbago,
Ang bayang kinalakhan ko.
Hukbalahap ang tawag sa amin,
Pagkakapantay ang hangad namin.
Kasama ko iyong Lolo Pedring,
Sa mga labanang dumating,
Lulusob kaming magkasama
At sabay-sabay na isinisigaw:

Sulong mga gerilyero!
Sulong mga gerilyero!

Isang araw ay sinalakay,
Ang aming kampo ng mga kaaway.
Lumaban ako kasama si Pedring,
Lumaban kami nang magiting.
Bigla na lang tinamaan siya ng bala,
Kaibigang Pedring ay wala na.
Doon ko nalaman ang ibig sabihin,
Ng aming isinisigaw:

Sulong mga gerilyero!
Sulong mga gerilyero!

Apo, ako’y matanda na,
Ang tungkulin ay ipinapasa.
Labanan mo ang nagmamalabis
Sa landas ng kasamaa’y huwag lumihis,
Bagkus ay maging pagbabago,
Pag-asa ng Pilipino,
Pag-asa ng samabayanang nakalimot,
Ng aming isinisigaw:

Sulong mga gerilyero! (Ang sagot namin ay oo!)
Sulong mga gerilyero! (Ang sagot namin ay oo!)
Sulong mga gerilyero! (Ang sagot namin ay oo!)
Sulong mga gerilyero! (Ang sagot namin ay oo!)

*For a video of the WWII song, click here.

Advertisements
Previous Post
Leave a comment

7 Comments

  1. *watches video*

    I like the command of the language. It strikes the message right where it should. 🙂

    Yay! Nagpost din si Jian ng entry. ^__^

    Reply
  2. jian5

     /  April 7, 2009

    Haha, thanks so much!

    Oo nga e. Antagal n din nung nagpost ako.

    Thanks for reading!

    Reply
  3. I love this song. It makes me feel nostalgic. :))

    Reply
  4. jian5

     /  April 14, 2009

    what does it remind you of, my gorgeous bf?

    Reply
  5. I’m not quite sure, your gayness. Basta, it makes me feel nostalgic. Kaparehas ng feeling kapag iniisip ko ang buhay ko if I were immortal. Haha

    Reply
  6. jian5

     /  April 15, 2009

    O, gorgeous bf,

    Haha.

    Through words we become immortal right?

    Reply
  7. Haha Gay. Well, that’s true but that’s not what I meant. 🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    April 2009
    S M T W T F S
    « Feb   May »
     1234
    567891011
    12131415161718
    19202122232425
    2627282930  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: