Bata Pa Rin

Labingwalong taong gulang
Nag-aaral sa pamantasang hirang
Sa mga pangarap ay walang hadlang
Ngunit isang bata pa rin lamang.

Itinatarok ang kamalayan
Ang mga dunong, hindi naman alam gamitin
Araw-araw ay may natututunghayan
Ngunit siya’y isang musmos pa rin.

Inaalam ang mga hiwaga ng pagsinta
Saya at hapis ng pag-ibig
Hinahanap ay hindi pa nakikita
Kakikitaan pa ng gatas sa bibig.

Lakas ng bisig at tikas ng katawan
Paglalim ng boses, paglago ng bigote
Kasama sa paglaki’y nararamdaman
Sa huli ay tinatakpan pa rin ng kapote.

Bata, bata, bata pa rin
Isang bagong sibol na supling
Marami pang kaning kakainin
Bago isang tao ay maging.

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    October 2008
    S M T W T F S
    « Sep   Nov »
     1234
    567891011
    12131415161718
    19202122232425
    262728293031  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: