Ang Mandaragat ng Kamalayan

Languyin mo ang dagat ng pilosopiya,
Nang iyong malaman ang kanyang mga kaloob na biyaya.
Tumalon ka’t nang iyong maramdaman,
Ang lamig ng kawalan; ang takot ng pag-aalinlangan.

Sisirin mo ang dagat ng mga katanungan,
Para sa mga perlas ng walang maliw na kamalayan.
Subukin mong matarok ang lawak at lalim ng gunita;
Malaman ang hinahanap na kasagutang pita.

Ngunit alalahaning hindi sa pagtuklas nagwawakas,
Ni sa pagsulat o kaya sa pagbigkas,
Ang katakatakang paglalakbay,
Ng isang nagnanais maging pantas ng buhay.

Sapagka’t sa huli’y kahit na maabot ng malayang isipan,
Ang kalaliman at kalawakan ng karagatang walang-hanggan,
Ay katatagpuan pa rin ang espiritu ng pag-uusig,
Siglang kakikitaan sa bawat tulisang umiibig.

O dalisay at kakaibang karagatan ng pilosopiya!
Tangan ang aking sasakyang-pangkaragatang iginigiya,
Ay papangahasang ika’y labanan!
Labanan… at aasahang iibigin magpakailanman.

*Nais ng manunulat na magbigay-pasasalamat kay Bb. Camille Lacas para sa pagbigay ng inspirasyon sa pagsulat ng tulang ito.

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    June 2008
    S M T W T F S
    « May   Jul »
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    2930  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: