Eksenang Tabi-Tabi

Lahat:

Maligayang Pagdating sa Planeta,
sa Planeta ng mga katotohanan
Lahat kami’y naririto,
Lahat kami’y naghihintay,
Naghihintay sa iyo.

Promdi:

Kotse sa tabi,
Dyip sa kalye,
Saan kaya makakabili
Ng makakain para sa katawang iwi?

Manong:

Bili na, bili na’t labinlimang milyon
Labinlimang milyon ang nagugutom!

Promdi:

Nagugutom?

Manong:

Nagugutom.

Lahat:

Nagugutom. Nagugutom. Nagugutom!
Labinlimang milyong walang malamon.

Promdi:

Maaari po bang bumili ng banana cue?
Ako po’y nagugutom.

Manong:

Gutom?

Promdi:

Kulang sa nutrisyon.

Lahat:

Kulang sa nutrisyon
Karamihan sa mga taga-nayon.

Manong:

Heto’ng banana cue
Para sa you.

Lahat:

Maligayang Pagdating sa Planeta
Sa Planeta ng mga paglaban
Lahat kami’y naririto,
Lahat kami’y naghihintay,
Naghihintay sa iyo.

Promdi:

Ala e, kay raming tao dire
Tila hindi mapakali,
Hindi mapakali sa paggalaw
Mga taong itim, puti, at dilaw.

Rallyista:

(Kami’y!)

Iskolar, ng bayan,
Kami’y lu-malaban!

Lahat:

Iskolar, ng bayan,
Kami’y lu-malaban!

Mga pulis:

Mga bata, umuwi nalang kayo
Umuwi nalang sa bahay ninyo
Mga bata, kayo’y para sa paaralan
Kayo’y hindi para sa kabundukan!

Rallyista:

Patalsikin si Pedro!
Kami’y nagkakaisa!
Ibaba ang matrikula!
Naghihirap na ang masa!

Lahat:

Estudyante sa paaralan?
Hindi sa kabundukan?

Rallyista:

Kahit siyamnapung porsyento,
Siyamnapung porsyento sa mga tao dito,
Ang kayang magbasa,
Ang kayang magsulat,
Hindi naman nakakarating sa paroroonan
Dahil sa tindi ng kahirapan.

Lahat:

Estudyanteng hindi sa kabundukan
Pumupunta dahil sa karukhaan.

Promdi:

Sino kayo?

Rallyista:

Sino ka?

Promdi:

Ako?

Rallyista:

Oo.

Lahat:

Ikaw, oo!

Promdi:

Tao? At Pilipino. Kayo’y iskolar?

Rallyista:

Ng Bayan!

Lahat:

Iskolar ng Bayan
Kabataang lumalaban.

Maligayang Pagdating sa Planeta
Sa Planeta ng mga pag-asa
Lahat kami’y naririto
Lahat kami’y naghihintay
Naghihintay sa iyo.

Advertisements
Previous Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    June 2008
    S M T W T F S
    « May   Jul »
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    2930  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.
    -Jian Narag, 2005-2017
%d bloggers like this: