Huling Liham sa Hayskul

Sa wakas, tapos na rin!

Napakaraming pagsubok ang aming pinagdaanan. Mula pa noong simula ng aking unang taon sa hayskul, ako at ang aking mga kaklase’y nakikipaglaban sa mga pagsusulit na mahihirap, mga proyektong mahahaba, mga pag-uulat na kritikal, at maraming iba pa. Maliban sa mga pagsubok sa paaralan, naranasan ko ring magbago sa mabuti. Dahil sa mga pagsubok na aking naranasan, ako’y naging isang taong disiplinado, kritikal, at mapagpunyagi.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking pakiramdan, ngunit ako’y nalulungkot. Kay bilis ng panahon at narito na ako, magtatapos ng isang kabanata ng aking buhay at tatahak sa mga bagong landasin. Kahit ngayo’y nararamdaman ko na ang pangungulila para sa mga kaibigan kong iiwanan, mga karanasang magiging alaala na lamang, kahit na mga asignaturang mahihirap ay aking nanasaing mataimtim.

Sa totoo lang, ayaw ko pang matapos ang aking buhay sa hayskul. Gusto ko pang maranasan ang mga klase sa Math, Science, English, Filipino, CL, Soc. Sci., at iba pa, kahit gaano man ito kahirap. Siguro’y hindi dahil sa sila’y makapagyayaman sa aking kaalaman kung bakit ayaw ko pang magtapos ang taon. Ayaw kong matapos ang taon dahil nais ko pang makapiling ang aking mga kaibigan, mga guro, mga kaklase, at ang eskwelahang humubog sa akin at aking naging tahanan sa loob ng labintatlong taon.

Bago magtapos ang mga araw ng ating pagsasama, nais kong magpasalamat sa lahat ng taong naging bahagi ng aking buhay. Ang inyong mga alaala ay lagi kong itatago sa aking puso, at sa mga panahong ako’y haharapin ng mga pagsubok, lagi ko kayong iisipin at sasabihin ko sa akin sarili: “Kakayanin ko ito! Para ito sa mga nagmamahal sa akin!”.

Mabuhay tayo, La Salle Greenhills Batch 2008!

Advertisements
Next Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    March 2008
    S M T W T F S
    « Feb   Apr »
     1
    2345678
    9101112131415
    16171819202122
    23242526272829
    3031  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: