Isang Katanungan sa mga Lahi

Ano nga ba?
Ano kaya?
Ano ang hindi magmamaliw hanggang nabubuhay ang tao?

Ang lakas ng bisig,
Na sa bawat pag-uusig
Ay lumalakas pa’t naghihimagsik?

Ang karunungan ng isip,
Na sa paglipas ng panaho’y sumisilip
Nang mas malalim pa sa mga gunita?

Ang mga gawa ng kamay,
Na yumayaman lalo sa pag-aalay
Ng mga lahing nagdaraan?

Ang bantog na pagkilala,
Na hinihipan ng hangin sa malalyong lupa
Upang isabog ang mga binhi ng kamalayan?

Ang kapangyarihan at luho
Na taglay ng iilang mga tao
At tataglayin pa sa maraming pagsubok?

Aking itinatanong, kung maari,
Ay sagutin ng mga susunod pa na mga lahi,
At sagutin muli ng mga darating pa
Nang malaman ang sagot sa tanong ng mga lumipas na.

Advertisements
Previous Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    February 2008
    S M T W T F S
    « Dec   Mar »
     12
    3456789
    10111213141516
    17181920212223
    242526272829  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: