Paru-parong Itim

Sa lansangan matatanaw
Mga paruparong lumilipad
Itim at di makita sa dilim ng gabi.

At sa bakal na bulaklak
Na pumuputak, dumidighay
Nahahalina sa tukso ng kuwalta.

Tila isang masamang panaginip
Para sa mga itim na paruparo
Ang mamuhay na masahol pa sa aso.

Ngunit sino nga ba ang masisisi
Sa pait at hirap na pinapasan
Ang lipunan, ang pamahalaan?

Sutsot ang wika, kalabit ang bisyo
Sa likod ng mukhang mudmod sa palamuti
Ay isang kaluluwang punit-punit.

Pagtangis ang tanging kubli
Sa hapis at sa paglamig
Paruparong itim na lumilipad.

Sino ba ako upang maghusga,
Sa aking kapwang nagdurusa
Sa lamig ng gabi, sa dilim ng lahi?

Advertisements
Previous Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    August 2007
    S M T W T F S
    « Jul   Sep »
     1234
    567891011
    12131415161718
    19202122232425
    262728293031  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: