Ang Sikretong Hindi Sikreto

Bata man o matanda, gwapo man o maganda, kumpleto man o bungi, lahat ay nakangiti. Ang pagiging masiyahin natin, kahit sa harap ng mga pagsubok ng buhay, ay sadyang hinahangaan ko sa aking mga kababayan.

Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamasayang bansa sa daigdig. Nangungulelat naman ang mga bansang angat sa lahat, tulad ng Estados Unidos, Hapon at Gran Britanya. Ngunit, hindi ba’t dapat sila ang masaya dahil sa kanilang yaman at kaunlaran? Bakit ang Pilipinas, na naghihikahos at naghihirap, ang nagpapakita ng mga matatamis na ngiti? Ilan ay magsasabing dulot ito ng kaulolan at pagkasira ng bait dahil sa dami ng problemang kinakaharap. Maaring ang kasiyahan nati’y ituring na maskarang nagtatago sa dalitang bawa’t isang nagtataglay, ngunit maaari rin naman itong ituring na sumasalamin sa kaloob-looban ng isang tao, ng isang lahi.

Ang ating pagngiti sa mga suliranin ng panahon kaya’y prinsipyong napapaloob sa bawat isa sa araw ng kanyang kapanganakan? O dulot kaya ito ng lipunang sanay na sa kahirapan? Anuman ang dahilan, ang pagiging masiyahin natin ang hindi sikretong sikreto na nagtutulak sa ating ituloy ang labang namana.

Ayon sa mga sikoloho, ang pagiging masiyahin ay nagdudulot ng mga mabubuting epekto sa tao. Kapag tayo’y masaya, naglalabas ang katawan ng mga “hormones” na nagbibigay sa atin ng kakayahang tumagal laban sa pagod, sakit, at pagkalungkot. Ito rin ay nagdudulot sa mabuting pakikitungo natin sa ating kapwa. Kahit sinuma’y hindi magugustuhan ang isang taong masungit, hindi ba?

Ang pagiging masaya ay sumasakop sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang tao. Sa paggawa, ang taong masaya ay mas masipag, at dahil dito’y mas produktibo. Sa pag-aaral, ang isang estudyanteng hindi sumusuko ay nagwawagi. Sa lipunan, ang isang taong masiyahin ay tinitingala.

Sa mas malalim na pagmumuni-muni, ating ipaghambing ang dalawang tao. Ang una’y nakangiti. Ang ikalawa’y nakasimangot. Sa inyong palagay, kanino tayo makakakita ng katapangan? Ng pag-asa? Ng kinabukasan?

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    April 2007
    S M T W T F S
    « Mar   May »
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    2930  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: