Gapo

Putol dito, putol diyon, hanggang makalbo ang bundok,
Buga rito’t roon, walang humpay na lura ng usok,
Tapon diyan at tapon dito ng basurang kay bantot,
At sa pagsapit ng bagyo’y ang lahat ay nasasangkot,
Ng lagim, walang pinatatawad ang galit ng unos.

Kailan lamang ay sinariwa sa aking gunita,
Ang sinapit ng aking mga kababayan sa baha.
Nakalulunos, kahabag-habag na isipin ito,
Ang mga panganib at sakunang nilikha ng taong,
Sumisila sa lahat, ang hustisya’t hatol ng langit!

Naaalala mo pa ba, aking kapwa Pilipino?
Ang nangyari sa Payatas, Cherry Hills at sa Baguio?
Ang sinapit ng Leyte, ang pagkalbo ng Sierra Madre,
Ang kamatayan sa Guimaras? Kalikasa’y ‘di libre,
Kaya’t kung sakali ay mag-isip-isip ka na ngayon.

Matuto mula sa nakaraan nang hindi maulit,
Ang ganti mula sa kalikasang ating sinapit.

Advertisements
Previous Post
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Calendar

    November 2006
    S M T W T F S
    « Oct   Dec »
     1234
    567891011
    12131415161718
    19202122232425
    2627282930  
  • Archives

  • Categories

  • Oliman

    For people who love to think.

    Jian Carlo R. Narag, MD

    2005-2017

%d bloggers like this: